๐๐๐๐ | ReCASC, tampok sa Net25 Radyo Agila
Lubos na ikinagagalak ng Rotary E-Club of All Star CAMANAVA (ReCASC) ang pagkakapili ng Net25 Radyo Agila sa aming proyektong RENEW Life upang ibalita sa kanilang himpilan ng radyo.
Kami sa ReCASC ay buong pusong sumusuporta sa mga taong pinipili at patuloy na nagsisikap na magbago para sa kabutihan, para sa sarili, sa kanilang pamilya, at higit sa lahat, para sa kapayapaan. Dahil dito, umusbong ang proyektong RENEW Life na isinagawa noong Agosto 6 sa Malabon City Jail Female Dormitory.Ang proyekto ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa aming mga katuwang, kabilang ang Philippine Malabon Cultural Institute, Inc. (PMCI), Philippine Dental Association, at ang tanggapan ni Bise Mayor Hon. Edward C. Nolasco.Sa Project RENEW Life, nais naming ipakita na ang pagbabago ay laging may lugar, at ang bawat taong nagnanais magsimulang muli ay nararapat bigyan ng pagkakataon. Sapagkat ang tunay na pagbabago ay hindi lamang tungkol sa pagtalikod sa nakaraan. Ito ay tungkol sa pagpili ng mas mabuting bukas.REPORMA. Isang mapayapang pagbabago.#D3800CreateLastingImpact #rotaryecluballstarcamanava #RotaryInAction #ServiceAboveSelf #ProjectRenewLife